Miyerkules, Hulyo 23, 2014


HIWAGA NG PAG-IBIG

Bilis ng kaba sa’king dibdib
Sa iyong mga mata, ako’y nakatitig.
Anong hiwaga ang dala nitong pag-ibig
Na sa isang iglap ako’y umibig.

Pag-ibig ang puno’t dulo ng lahat
Ang rason kung bakit nandito tayong lahat.
Oh, kaysarap alalahin ng bawat minsan
Ngunit kaysakit kung ito’y lumisan

Pag-ibig na siyang bigay ng Diyos
Na dapat gamitin ng maayos
Pagkat kung ito’y maubos
Lahat ay matatapos.