PISO
Sa
isang pampublikong paaralan nag-aaral si Alyssa. Siya ay hindi gaanong maputi,
matangkad pero sa pagandahan ay may ibubuga naman siya . Kung sa patalinuhan
naman ang pag-uusapan, hindi naman siya pahuhuli. Minsan na siyang nangunguna
sa klase.
Sa
pagtungtong niya sa ikalawang baiting ng Sekondarya, doon nagsimulang ang
kanyang pagbabagong pisikal. Natuto na siyang maghilamos pagkatapos gumising,
magsuklay ng buhok bago lumabas ng kwarto, at higit sa lahat sinisita muna niya
ang kanyang sarili sa salamin bago lumabas kung wala bang laway na nakabakas sa
kanyang bibig. Iyan si Alyssa, mula sa
pagkamusmos ay naging isang magandang dilag na siyang dala ng panahon.
Nang
siya ay nasa paaralan, hindi niya alam ang gagawin, iniisip niya kung sino ang
una niyang magiging kaibigan o sino ang una niya mapalagayang-loob. Sa klase
kasi nila, may mababawasan, may madagdagan. Kaya, hindi nila kabisado ang madagdag
sa kanila . Sa paglipas ng araw, maganda ang takbo ng pag-aaral niya, hanggang
isang araw may isang baguhan na naglakas loob na kausapin siya…..
“Pwede
pahiram ng piso?”, sabi ng kanyang kaklase na si Jacob.
“Oo
naman, bakit hindi. Basta isauli mo bukas ha?”, sabi naman ni Alyssa.
“Oo
ba, huwag kang mag-alala Alyssa”. Pangako! ( at nagtaas pa ng kanyang kanang
kamay tanda
ng
kanyang panunumpa)
“Teka,
bakit alam mo ang pangalan ko?” Ang daya mo naman, eh ako hindi ko alam ang
pangalan
mo.
“Oh
sya, magpakilala ako sa iyo. Ako si Jacob ang bago ninyong kaklase.
Nakipagkamay pa si Jacob
habang
nagpakilala sa kanyang sarili. Tinanggap naman iyon ni Alyssa ng walang
pag-alinlangan.
Simula sa araw na iyon ay naging
magkaibigan na silang dalawa. Walang araw na hindi binabati ni Jacob si Alyssa
mula sa pagpasok sa paaralan hanggang sa pag-uwi nito. At nagpatuloy pa ang
kanilang pakikipag-palagayang loob..
Isang araw, lumapit si Jacob para
humiram na naman siya ng pera kay Alyssa. Habang nagsusulat si Alyssa, ay panay
ang pangungulit ni Jacob sa kanya para itigil ang kanyang pagsusulat.
“Sige na Alyssa, tumingin ka na,
please…” pagsusumamo ni Jacob sa kanya.
“Sige na nga”. Pagdadabog na sagot
ni Alyssa sa kaibigan. “Ano ba ang kailangan mo? Pahabul
niyang tanong.
“Wala naman.Hmmm…”(sabay pagpapakyut
sa kanya).
“Eh, wala naman pala, sige
ipagpatuloy ko muna itong ginagawa ko.” Pagpatuloy niya.
“Alyssa naman,” sabi niya. ( sinadya
niyang ipalumanay ang kanyang tinig)
“Ano ba talaga ang kailangan mo
Jacob?”, hindi na siya nakapagpigil na taasan ang kanyang boses.
“Eh
ano kasi,eh…eh…eh…pwedeng humiram ng limang piso? Kulang kasi pamasahe ko eh, pagpapaliwanag niya.
“Sus,
iyon lang pala, ayaw pang sabihin. Oo naman, hindi ka kaagad nagsabi,
natatawang sabi ni Alyssa.
“Yes! Maraming salamat talaga, the
best ka talaga, at niyakap niya ang kanyang kaibigan sa sobrang
Pasasalamat.
Natatawang pinagmasdan ni Alyssa ang
kaibigang papalayo na sa kanya. Natutuwa siya dahil naging kaibigan niya ang
mokong na ito. Ewan niya ba kung bakit ang gaan-gaan ng loob niya pagkasama
ito. Para bang ito lang ang nagpapasaya sa
kanya. Sa isip niya “siguro dahil malapit kami sa isa’t isa kaya masaya ako”.
Biglang nawaglit sa kanyang isispan ang isiping iyon nang tumunog ang “bell”
hudyat na uwian na.
Pagdating sa kanilang bahay,
ganadong-ganado siyang magtrabaho. Lahat ng trabaho ay ginawa niya ng walang
angal at panay pa ang ngiti. Hindi niya alam na bawat kilos niya ay napapansin
iyon ng kanyang ina.
“Teka lang Alyssa, bakit ba
ganadong-ganado ka ngayon? In lab ka ba? Asus, ang dalaga ko may
napupusuan na,” nakangiting tukso ng
kanyang ina na nakangiti.
“ Si Nanay talaga kung ano ang
napapansin, kapag ba ganado ibig sabihin in lab agad? Hindi ba
pwedeng
masipag lang talaga ako?,” pagmamarunong niya.
“Oh siya, masipag na kung masipag, maghain
ka na at gutom na gutom na ang lahat.” Pagtatapos ng
kanyang ina.
Napangiti na sinundan niya ng tanaw
ang papalayong ina. Natanong tuloy niya ang sarili niya “ In lab na nga ba
ako?”. Ewan ko ba, si Nanay talaga kung ano ang nalagay sa kukuti.
Kinaumagahan, maagang nagising siya
ang naghanda para sa pagpasok. Isinuot niya ang pinakamaganda niyang uniporme
na pinalantsa pa ng kanyang mahal na ina. Nagmano muna siya sa kanyang ina at
ama bago pumasok. Salat man sa salapi si Alyssa, ngunit sagana naman siya sa
asal at pagmamahal ng kanyang mga magulang.
Hinintay niya si Jacob sa paaralan
para sabay silang bumili ng ulam kapag pananghalian na. Pero, sumapit na ang
tanghalian na walang Jacob na dumating kahit anino niya. Nadismaya siya na
boung araw niyang hindi nakikita ang kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung
bakit hindi ito pumasok dahil hindi naman siya pinaalam nito. Umuwi siyang
nakalaylay ang braso at nakanguso ang baba. Wala siyang ganang humakbang pauwi.
Hindi niya alam na nakamasid lang pala ang kanyang ina.
“Oh anak bakit ang tamlay mo ngayon?
May masakit ba sa’yo? May nangyaring masama ba sa paaralan ninyo?” sunud-sunod
na tanong ng kanyang ina. Ngunit iling lang ang kaya niyang isagot at dumiritso
siya agad sa kanyang kwarto. Hindi na siya nakakain dahil natulugan na niya ang
isiping hindi pumasok si Jacob.
Kinaumagahan,
matamlay na bumangon mula sa higaan si Alyssa. At pagkatapos kumain ay agad na
umalis papuntang paaralan. Habang tinitingnan niya ang mga kaklase na naglalaro
sa bakuran, may biglang tumakip sa kanyang mata.
“Hulahan
mo kung sino ito,” sabi ni Jacob.
“Hindi
na kailangan Jacob, alam kong ikaw iyan.” sabi naman ni Alyssa.
“Ang
galing mo talaga Madam Auring, bakit hindi ka na lang maging maghuhula?” biro
niya sa
kaibigan.
“Naku
Jacob tigilan mo nga ako at baka hindi ako makapagpigil. Sasabunutan na talaga
kita”.
nanggigil
na sagot ni Alyssa sa kaibigan.
“Sige
patawad na, hindi na mauulit,” sabi ni Jacob na nakangiti pa.
Sabay
na umuwi sina Alyssa at Jacob. Habang papauwi sila, hindi mapigilan ni Jacob na
harutin minsan si Alyssa. Pasulyap-sulyap na tiningnan niya ang kaibigan,
paminsan-minsan ay nahuhuli siya nito na nakatingin sa kanya. Napayuko na lang
ito kapag nahuhuli na nakatingin.
Umuwi
si Alyssa na may saya sa damdamin dulot ng kanilang masayang pagkukwentuhan sa
daan. Para siyang lumilipad sa alapaap sa tuwa
at saya. Hindi niya mapaliwanag ang saya na nararamdaman sa kanyang puso. Hindi
niya gustong lumipas ang araw na ito. Para sa kanya, ito ang pinakamasayang
araw sa buhay niya. Habang nakahiga siya sa kanyang kwarto, hindi mawaglit sa
kanyang isip ang masayang kwentuhan nila. Napangiti siya na binalikan ang
kanilang kwentuhan kani-kanina lang. Napakatamis ng ngiti niya sa kanyang labi
sa isiping iyon. Hindi niya mapigilang kiligin sa kanyang iniisip. Sabik siyang
maulit muli ang kanilang pagkikita bukas. Kaya hindi siya masyadong nakatulog
sa gabing iyon.
Paggising niya, agad naman niyang
naisingit sa isipan ang masayang nangyari sa kanila ng kanyang kaibigan.
Pagdating niya sa paaralan, agad niyang hinanap si Jacob. Palinga-linga niya
itong hinahanap, pero hindi niya makita. Sa isang sulok ng kanyang mata, may
kung sino siyang nakikita sa di kalayuan. Agad niyang ibinalik ang kanyang
paningin` sa isang sulok ng kanyang mata. At doon, nakita niyan si Jacob na
nakipaglambingan sa kaklase niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang
maramdaman o kung paano siya mag-reak sa kanyang nakita. May kung anong kirot
na nararamdaman siya sa kanyang puso na hindi dapat niya maramdaman. Ewan ba
niya kung kanino siya nagagalit, kay Jacob ba o sa babaeng nakikipaglambing sa
kanyang kaibigan. Ibinaling na lang niya ang kanyang paningin sa ibang
direksiyon, pero hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang nakita niya. Kinuha
niya ang kanyang talaarawan at doon niya inilabas ang sakit na dulot ng kanyang
nararamdaman.
Mahal kong talaarawan,
Sa
araw na ito ay malungkot ako dahil nakita ko ang kaibigan ko na may kausap na
iba. Ewan ko ba kung bakit nasasaktan ako gayong kaibigan lang kami. Makasarili
ba kung gugustuhin kong lagi siyang nasa tabi ko? Bakit ba ako nakaramdam ng
ganito? Para bang sinaksak ako ng ilang beses.
At para bang piniga ang puso ko sa sakit. Ano ba itong nararamdaman ko sa
kaibigan ko?. Ayokong may iba siyang kausap maliban sa akin. Sana ay mabigyang-linaw ang nararamdaman ko.
Nagmamahal,
Alyssa
Nakatulala lamang si Alyssa
pagkatapos sumulat sa kanyang talaarawan. Doon
lamang niya naipalabas ang sakit na nararamdaman. Hindi niya gusto ang kanyang
nararamdaman pero hindi niya ito mapigil. Biglang may tumapik sa kanyang
balikat at nagulat siya. Paglingon niya, nakita niya si Jacob na nakatunghay sa
kanya. Para itong anghel na bumaba mula sa
langit na nakangiti sa kanya. Isinasaulo niya bawat detalye ng mukha nito.
Hindi niya kayang pagsawaan ang mukhang nakapagpabago ng tibok ng puso niya.
Nabalik siya sa kanyang katinuan nang biglang may kamay na humarang sa kanyang
paningin.
“Hoy Alyssa, bakit ka nakatulala
diyan? Parang ang lalim ng iniisip mo ha,” sita ng kaibigan.
“Ano’ng pakialam mo? Umalis ka nga
dyan sa harapan ko at naalibadbaran ak sa iyo.” Sabi ni
Alyssa.
“Ha, sa gwapo kong ito?
Naalibadbaran ka pa?. Hindi naman yata yan totoo.” Patawang sabi ni
Jacob.
“Eh anong paki mo?. Galit na sabi
niya.
“Teka, bakit ba ang init ng dugo mo
ngayon?” Tanong ng kaibigan.
“Wala ka ng pakialam doon”. At agad
na umalis si Alyssa sa kanyang harapan.
Nagtaka si Jacob kung bakit iniwan
na lang siya ni Alyssa ng basta-basta lang. Hindi siya makaisip ng magandang
ideya kung bakit nagalit ang isang iyon. Agad niyang sinundan ang kaibigan na
hindi pa naman nakakalayo sa kanya. Hinawakan niya ito sa kamay nang nagtangka
itong talikuran ulit siya.
“Ano ba talaga ang problema mo
Alyssa?” pagsusumamo ni Jacob sa kanya.
“Wala naman” pagsisinungaling niya.
“Anong wala, bakit mo ako tinalikuran?” tanong ni Jacob.
“Eh gusto ko eh, anong magagawa mo?”
paasik niyang tanong.
“May magagawa ako dahil kaibigan mo
ako”. Pamamarunong niya.
“May
kaibigan bang nang iiwan sa ere at nakikipag lambingan sa iba?”galit na galit
na sagot ni
Alyssa.
”Sinong
nakikipaglambingan …..ako?”sabay tawa ni Jacob.
“Hindi
ako, ako, ako” sagot naman ni Alyssa.
Tumawa
si Jacob at sinabihan si Alyssa
na…………NAGSESELOS ka ba? (sabay nyang tawa).
Agad
namang sumagot si Alyssa na pero nahihiyang tumingin kay Jacob at namumula ang
pisngi.
“Ako
nagseselos? Wala no..bakit naman ako magseselos?” pagkaila niya.
“Wag
kanang magkaila” sabi ni Jacob at tumawa na naman ito.
“Oooyyy
nagseselos siya,doon ka ba nagseselos sa babaeng kasama ko kanina? Wag kang
mag-alala
pinsan
ko lang iyon.
Agad
namang tumingin si Alyssa kay Jacob at nakangiti
na ito.Dahil sa kanyang narinig nakuha na nyang ngumiti at sabay namang
pagkukulit sa kanya ni Jacob.
“Oooy tumawa na sya” sabi ni Jacob.
Sabay
naming sabi ng kaibigan ko na “ikaw kasi eh” .Biglang naging seryuso si Jacob
at bigla niyang niyakap si Alyssa nang mahigpit at sabay sabing “mahal kita”
Alyssa higit pa sa kaibigan, nahihiya lang akong sabihin at aminin sa iyo dahil
takot akong baliwalain mo lang ako at ipagtabuyan. Niyakap rin ni Alyssa nang
mahigpit si Jacob at sinabi niyang mahal niya rin si Jacob at naghalikan sila
sa labi. Nilisan nila ang lugar na iyon na puno ng pagmamahal sa isa’t-isa. Ang
lugar na iyon ang nagsisilbing saksi sa kanilang pagmamahalan.