Sabado, Pebrero 4, 2012



    
PISO

Sa isang pampublikong paaralan nag-aaral si Alyssa. Siya ay hindi gaanong maputi, matangkad pero sa pagandahan ay may ibubuga naman siya . Kung sa patalinuhan naman ang pag-uusapan, hindi naman siya pahuhuli. Minsan na siyang nangunguna sa klase.

Sa pagtungtong niya sa ikalawang baiting ng Sekondarya, doon nagsimulang ang kanyang pagbabagong pisikal. Natuto na siyang maghilamos pagkatapos gumising, magsuklay ng buhok bago lumabas ng kwarto, at higit sa lahat sinisita muna niya ang kanyang sarili sa salamin bago lumabas kung wala bang laway na nakabakas sa kanyang bibig.  Iyan si Alyssa, mula sa pagkamusmos ay naging isang magandang dilag na siyang dala ng panahon.

Nang siya ay nasa paaralan, hindi niya alam ang gagawin, iniisip niya kung sino ang una niyang magiging kaibigan o sino ang una niya mapalagayang-loob. Sa klase kasi nila, may mababawasan, may madagdagan. Kaya, hindi nila kabisado ang madagdag sa kanila . Sa paglipas ng araw, maganda ang takbo ng pag-aaral niya, hanggang isang araw may isang baguhan na naglakas loob na kausapin siya…..

“Pwede pahiram ng piso?”, sabi ng kanyang kaklase na si Jacob.
“Oo naman, bakit hindi. Basta isauli mo bukas ha?”, sabi naman ni Alyssa.
“Oo ba, huwag kang mag-alala Alyssa”. Pangako! ( at nagtaas pa ng kanyang kanang kamay tanda
ng kanyang panunumpa)
“Teka, bakit alam mo ang pangalan ko?” Ang daya mo naman, eh ako hindi ko alam ang pangalan
mo.
“Oh sya, magpakilala ako sa iyo. Ako si Jacob ang bago ninyong kaklase. Nakipagkamay pa si Jacob  
habang nagpakilala sa kanyang sarili. Tinanggap naman iyon ni Alyssa ng walang pag-alinlangan.

            Simula sa araw na iyon ay naging magkaibigan na silang dalawa. Walang araw na hindi binabati ni Jacob si Alyssa mula sa pagpasok sa paaralan hanggang sa pag-uwi nito. At nagpatuloy pa ang kanilang pakikipag-palagayang loob..
            Isang araw, lumapit si Jacob para humiram na naman siya ng pera kay Alyssa. Habang nagsusulat si Alyssa, ay panay ang pangungulit ni Jacob sa kanya para itigil ang kanyang pagsusulat.
            “Sige na Alyssa, tumingin ka na, please…” pagsusumamo ni Jacob sa kanya.
            “Sige na nga”. Pagdadabog na sagot ni Alyssa sa kaibigan. “Ano ba ang kailangan mo? Pahabul    
            niyang tanong.
            “Wala naman.Hmmm…”(sabay pagpapakyut sa kanya).
            “Eh, wala naman pala, sige ipagpatuloy ko muna itong ginagawa ko.” Pagpatuloy niya.
            “Alyssa naman,” sabi niya. ( sinadya niyang ipalumanay ang kanyang tinig)
            “Ano ba talaga ang kailangan mo Jacob?”, hindi na siya nakapagpigil na taasan ang kanyang boses.
“Eh ano kasi,eh…eh…eh…pwedeng humiram ng limang piso? Kulang kasi pamasahe ko eh,   pagpapaliwanag niya.
“Sus, iyon lang pala, ayaw pang sabihin. Oo naman, hindi ka kaagad nagsabi, natatawang sabi ni Alyssa.
            “Yes! Maraming salamat talaga, the best ka talaga, at niyakap niya ang kanyang kaibigan sa sobrang
            Pasasalamat.

            Natatawang pinagmasdan ni Alyssa ang kaibigang papalayo na sa kanya. Natutuwa siya dahil naging kaibigan niya ang mokong na ito. Ewan niya ba kung bakit ang gaan-gaan ng loob niya pagkasama ito. Para bang ito lang ang nagpapasaya sa kanya. Sa isip niya “siguro dahil malapit kami sa isa’t isa kaya masaya ako”. Biglang nawaglit sa kanyang isispan ang isiping iyon nang tumunog ang “bell” hudyat na uwian na.
           
            Pagdating sa kanilang bahay, ganadong-ganado siyang magtrabaho. Lahat ng trabaho ay ginawa niya ng walang angal at panay pa ang ngiti. Hindi niya alam na bawat kilos niya ay napapansin iyon ng kanyang ina.
            “Teka lang Alyssa, bakit ba ganadong-ganado ka ngayon? In lab ka ba? Asus, ang dalaga ko may       
            napupusuan na,” nakangiting tukso ng kanyang ina na nakangiti.
            “ Si Nanay talaga kung ano ang napapansin, kapag ba ganado ibig sabihin in lab agad? Hindi ba
pwedeng masipag lang talaga ako?,” pagmamarunong niya.
            “Oh siya, masipag na kung masipag, maghain ka na at gutom na gutom na ang lahat.” Pagtatapos ng
            kanyang ina.

            Napangiti na sinundan niya ng tanaw ang papalayong ina. Natanong tuloy niya ang sarili niya “ In lab na nga ba ako?”. Ewan ko ba, si Nanay talaga kung ano ang nalagay sa kukuti.

            Kinaumagahan, maagang nagising siya ang naghanda para sa pagpasok. Isinuot niya ang pinakamaganda niyang uniporme na pinalantsa pa ng kanyang mahal na ina. Nagmano muna siya sa kanyang ina at ama bago pumasok. Salat man sa salapi si Alyssa, ngunit sagana naman siya sa asal at pagmamahal ng kanyang mga magulang.

            Hinintay niya si Jacob sa paaralan para sabay silang bumili ng ulam kapag pananghalian na. Pero, sumapit na ang tanghalian na walang Jacob na dumating kahit anino niya. Nadismaya siya na boung araw niyang hindi nakikita ang kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung bakit hindi ito pumasok dahil hindi naman siya pinaalam nito. Umuwi siyang nakalaylay ang braso at nakanguso ang baba. Wala siyang ganang humakbang pauwi. Hindi niya alam na nakamasid lang pala ang kanyang ina.
            “Oh anak bakit ang tamlay mo ngayon? May masakit ba sa’yo? May nangyaring masama ba sa paaralan ninyo?” sunud-sunod na tanong ng kanyang ina. Ngunit iling lang ang kaya niyang isagot at dumiritso siya agad sa kanyang kwarto. Hindi na siya nakakain dahil natulugan na niya ang isiping hindi pumasok si Jacob.
                       
Kinaumagahan, matamlay na bumangon mula sa higaan si Alyssa. At pagkatapos kumain ay agad na umalis papuntang paaralan. Habang tinitingnan niya ang mga kaklase na naglalaro sa bakuran, may biglang tumakip sa kanyang mata.
“Hulahan mo kung sino ito,” sabi ni Jacob.
“Hindi na kailangan Jacob, alam kong ikaw iyan.” sabi naman ni Alyssa.
“Ang galing mo talaga Madam Auring, bakit hindi ka na lang maging maghuhula?” biro niya sa
kaibigan.
“Naku Jacob tigilan mo nga ako at baka hindi ako makapagpigil. Sasabunutan na talaga kita”.
nanggigil na sagot ni Alyssa sa kaibigan.
“Sige patawad na, hindi na mauulit,” sabi ni Jacob na nakangiti pa.

Sabay na umuwi sina Alyssa at Jacob. Habang papauwi sila, hindi mapigilan ni Jacob na harutin minsan si Alyssa. Pasulyap-sulyap na tiningnan niya ang kaibigan, paminsan-minsan ay nahuhuli siya nito na nakatingin sa kanya. Napayuko na lang ito kapag nahuhuli na nakatingin.

Umuwi si Alyssa na may saya sa damdamin dulot ng kanilang masayang pagkukwentuhan sa daan. Para siyang lumilipad sa alapaap sa tuwa at saya. Hindi niya mapaliwanag ang saya na nararamdaman sa kanyang puso. Hindi niya gustong lumipas ang araw na ito. Para sa kanya, ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Habang nakahiga siya sa kanyang kwarto, hindi mawaglit sa kanyang isip ang masayang kwentuhan nila. Napangiti siya na binalikan ang kanilang kwentuhan kani-kanina lang. Napakatamis ng ngiti niya sa kanyang labi sa isiping iyon. Hindi niya mapigilang kiligin sa kanyang iniisip. Sabik siyang maulit muli ang kanilang pagkikita bukas. Kaya hindi siya masyadong nakatulog sa gabing iyon.

            Paggising niya, agad naman niyang naisingit sa isipan ang masayang nangyari sa kanila ng kanyang kaibigan. Pagdating niya sa paaralan, agad niyang hinanap si Jacob. Palinga-linga niya itong hinahanap, pero hindi niya makita. Sa isang sulok ng kanyang mata, may kung sino siyang nakikita sa di kalayuan. Agad niyang ibinalik ang kanyang paningin` sa isang sulok ng kanyang mata. At doon, nakita niyan si Jacob na nakipaglambingan sa kaklase niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman o kung paano siya mag-reak sa kanyang nakita. May kung anong kirot na nararamdaman siya sa kanyang puso na hindi dapat niya maramdaman. Ewan ba niya kung kanino siya nagagalit, kay Jacob ba o sa babaeng nakikipaglambing sa kanyang kaibigan. Ibinaling na lang niya ang kanyang paningin sa ibang direksiyon, pero hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang nakita niya. Kinuha niya ang kanyang talaarawan at doon niya inilabas ang sakit na dulot ng kanyang nararamdaman.

Mahal kong talaarawan,
            Sa araw na ito ay malungkot ako dahil nakita ko ang kaibigan ko na may kausap na iba. Ewan ko ba kung bakit nasasaktan ako gayong kaibigan lang kami. Makasarili ba kung gugustuhin kong lagi siyang nasa tabi ko? Bakit ba ako nakaramdam ng ganito? Para bang sinaksak ako ng ilang beses. At para bang piniga ang puso ko sa sakit. Ano ba itong nararamdaman ko sa kaibigan ko?. Ayokong may iba siyang kausap maliban sa akin. Sana ay mabigyang-linaw ang nararamdaman ko.

                                                                                                                        Nagmamahal,
                                                                                                                               Alyssa

            Nakatulala lamang si Alyssa pagkatapos sumulat sa kanyang talaarawan. Doon lamang niya naipalabas ang sakit na nararamdaman. Hindi niya gusto ang kanyang nararamdaman pero hindi niya ito mapigil. Biglang may tumapik sa kanyang balikat at nagulat siya. Paglingon niya, nakita niya si Jacob na nakatunghay sa kanya. Para itong anghel na bumaba mula sa langit na nakangiti sa kanya. Isinasaulo niya bawat detalye ng mukha nito. Hindi niya kayang pagsawaan ang mukhang nakapagpabago ng tibok ng puso niya. Nabalik siya sa kanyang katinuan nang biglang may kamay na humarang sa kanyang paningin.
            “Hoy Alyssa, bakit ka nakatulala diyan? Parang ang lalim ng iniisip mo ha,” sita ng kaibigan.
            “Ano’ng pakialam mo? Umalis ka nga dyan sa harapan ko at naalibadbaran ak sa iyo.” Sabi ni
            Alyssa.
            “Ha, sa gwapo kong ito? Naalibadbaran ka pa?. Hindi naman yata yan totoo.” Patawang sabi ni
            Jacob.
            “Eh anong paki mo?. Galit na sabi niya.
            “Teka, bakit ba ang init ng dugo mo ngayon?” Tanong ng kaibigan.
            “Wala ka ng pakialam doon”. At agad na umalis si Alyssa sa kanyang harapan.

            Nagtaka si Jacob kung bakit iniwan na lang siya ni Alyssa ng basta-basta lang. Hindi siya makaisip ng magandang ideya kung bakit nagalit ang isang iyon. Agad niyang sinundan ang kaibigan na hindi pa naman nakakalayo sa kanya. Hinawakan niya ito sa kamay nang nagtangka itong talikuran ulit siya.
            “Ano ba talaga ang problema mo Alyssa?” pagsusumamo ni Jacob sa kanya.
            “Wala naman” pagsisinungaling niya.
            “Anong wala, bakit mo  ako tinalikuran?” tanong ni Jacob.
            “Eh gusto ko eh, anong magagawa mo?” paasik niyang tanong.
            “May magagawa ako dahil kaibigan mo ako”. Pamamarunong niya.
           


“May kaibigan bang nang iiwan sa ere at nakikipag lambingan sa iba?”galit na galit na sagot ni
 Alyssa.
”Sinong nakikipaglambingan …..ako?”sabay tawa ni Jacob.
“Hindi ako, ako, ako” sagot naman ni Alyssa.
Tumawa si Jacob at sinabihan  si Alyssa na…………NAGSESELOS ka ba? (sabay nyang tawa).
Agad namang sumagot si Alyssa na pero nahihiyang tumingin kay Jacob at namumula ang pisngi.
“Ako nagseselos? Wala no..bakit naman ako magseselos?” pagkaila niya.
“Wag kanang magkaila” sabi ni Jacob at tumawa na naman ito.
“Oooyyy nagseselos siya,doon ka ba nagseselos sa babaeng kasama ko kanina? Wag kang mag-alala
pinsan ko lang iyon.
Agad namang tumingin  si Alyssa kay Jacob at nakangiti na ito.Dahil sa kanyang narinig nakuha na nyang ngumiti at sabay namang pagkukulit sa kanya ni Jacob.
 “Oooy tumawa na sya” sabi ni Jacob.
Sabay naming sabi ng kaibigan ko na “ikaw kasi eh” .Biglang naging seryuso si Jacob at bigla niyang niyakap si Alyssa nang mahigpit at sabay sabing “mahal kita” Alyssa higit pa sa kaibigan, nahihiya lang akong sabihin at aminin sa iyo dahil takot akong baliwalain mo lang ako at ipagtabuyan. Niyakap rin ni Alyssa nang mahigpit si Jacob at sinabi niyang mahal niya rin si Jacob at naghalikan sila sa labi. Nilisan nila ang lugar na iyon na puno ng pagmamahal sa isa’t-isa. Ang lugar na iyon ang nagsisilbing saksi sa kanilang pagmamahalan.


Huni Sa Gugma

      

Huni sa Gugma

Matag buklad sa bulak,
Sa sayong kabuntagun,
Nakita ko ikaw,
Nga nagtawag ug nagapahiyom.

Unsaon ko karon,
Nga ako imong litokon,
Unsaon ko kaha,
Tudloi intawn ako.

Matag subang sa bulan,
Sa sayong kagabhion,
Nakita ko ikaw,
Nga nagtawag ug nagapahiyom.

Tudloi intawn ako,
O minahal ko,
Tudloi intawn ako,
Kung unsaon ko kaha.



Note: This is a poem "balak" made by my grandpa (Damaso Bino Abais).